|
||||||||
|
||
Nitong Sabado, Agosto 3, 2019, naganap sa lunsod El Paso, Texas ng Estados Unidos, ang pamamaril na ikinamatay na ng di-kukulangin sa 20 katao, at ikinasugat ng 26 iba pa.
Ayon sa panig kapulisan ng El Paso, ang isang pinaniniwalaang suspek na 21-anyos ay nasa likod ng walang habas na namaril sa isang shopping mall sa nasabing lunsod. Inaresto na ang suspek, at kasalukuyang isinasagawa ng mga nagpapatupad ng batas ang ibayo pang imbestigasyon sa insidenteng ito.
Matapos ang insidente ng pamamaril, ipinahayag ni US President Donald Trump na ipagkakaloob ng kanyang pamahalaan ang puspusang suporta sa estadong Texas at lunsod ng El Paso.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |