Ayon sa panig pulisya ng Jacksonville, Florida State, Amerika, naganap nitong Linggo ng tanghali, local time, ika-26 ng Agosto 2018, sa isang lokal na gaming bar ang pamamaril, na ikinamatay ng 2 katao at ikinasugat ng 11 iba pa. Nagpakamatay din ang salarin.
Ayon pa rin sa pulisya, noong panahong naganap ang pamamaril, idinaraos sa loob ng bar ang online game tournament, at ang 24-taong gulang na gunman na si David Katz ay kalahok sa paligsahan.
May ulat na nagsasabing namaril daw si Katz, dahil natalo siya. Pero, ipinahayag naman ng pulisya, na ini-iimbestigahan pa ang motibo ng gunman.
Salin: Liu Kai