Ipinadala kahapon, Huwebes, ika-15 ng Pebrero 2018, ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), ang mensahe kina Rick Scott, Gobernador ng Estado ng Florida ng Amerika, at Nikki Haley, Pirmihang Kinatawang Amerikano sa UN, bilang pagpapahayag ng kalungkutan sa pamamaril na ginanap kamakalawa sa isang mataas na paaralan sa Florida.
Ang naturang pamamaril ay naganap sa Marjory Stoneman Douglas High School, lunsod ng Parkland sa katimugan ng Florida. Ikinamatay ito ng 17 katao, at ikinasugat ng di-kukulangin sa 14 iba pa. Ito ay pinakagrabeng pamamaril sa paaralan sa kasaysayan ng Florida. Ang maykagagawan ay si Nikolas Cruz, 19 taong gulang na lalaki at pinaalis na estudyante ng naturang paaralan.
Salin: Liu Kai