|
||||||||
|
||
Nitong Sabado, Agosto 3, 2019, kasiya-siyang natapos ng social practice group ng Tsinghua University ang kanilang imbestigasyon at pag-aaral sa Pilipinas at naka-uwi na sila.
Sa isang linggong pananatili sa Pilipinas, magkakasunod na bumisita ang nasabing social practice group sa Binondo, Philippine Chinese Education Research Center, Bahay Tsinoy, Embahadang Tsino sa Pilipinas, University of the Philippines, De La Salle University, at iba pang lugar.
Ipinahayag ni Tian Shanting, Cultural Counsellor ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, ang mainit na pagtanggap sa pagbisita ng grupong ito. Ipinahayag niya ang pag-asang sa pamamagitan ng aktibidad na ito, mapapalalim ang pagkaunawa at kaalaman sa kalagayang pang-estado at mamamayang Pilipino.
Dagdag pa ni Tian, ang kabataan ay kinabukasan ng bansa, at ang pagpapalitan ng mga kabataang Sino-Pilipino ay nakakatulong sa pagpapatibay ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |