|
||||||||
|
||
Kinumpirma ng panig kapulisan ng lunsod Dayton, estado ng Ohio ng Amerika na naganap nitong Linggo madaling araw, Agosto 4, 2019, ang pamamaril na ikinamatay ng di-kukulangin sa 10 katao, na kinabibilangan ng isang gunman, at ikinasugat ng 16 iba pa.
Hindi pa inilabas ng panig kapulisan ang identidad ng nasabing gunman, at hindi pa malinaw ang motibo ng kanyang ginawa. Kasalukuyang nakikipagtulungan ang Federal Bureau of Investigation (FBI) sa panig kapulisan para imbestigahan ang insidenteng ito.
Ito'y ilang oras lamang matapos ang unang mass shooting sa isang mall sa lunsod El Paso, Texas, kung saan 20 ang namatay.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |