|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Linggo, Agosto 4, ng tagapagsalita ng Pasuguan ng Tsina sa Australia ang pagtutol sa walang batayang pagbatikos ng opisyal Amerikano sa papel ng Tsina sa rehiyon, sa katatapos na Australia-United States Ministerial Consultations (AUSMIN).
Idinaos nang araw ring iyon sa Sydney ang Ika-29 na AUSMIN, na nilahukan nina Marise Payne, Ministro ng mga Suliraning Panlabas; Linda Reynolds, Ministro ng Tanggulang-bansa ng Australia; at Mike Pompeo, Kalihim ng Estado; at Mark Esper, Kalihim ng Tanggulang-bansa ng Amerika.
Diin ng tagapagsalitang Tsino, nananatiling matatag sa kabuuan ang kalagayan ng South China Sea (SCS). Ang paghahasik ng hidwaan ng mga puwersa sa labas ng rehiyon na gaya ng Amerika ay makakapinsala lamang sa kalagayan ng nasabing karagatan at kapayapaan ng rehiyon.
Pinuna rin ng tagapagsalitang Tsino ang pag-urong ng Amerika mula sa Intermediate-Range Nuclear Forces (INF) Treaty.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |