Binuksan kamakalawa, Huwebes, ika-8 ng Agosto 2019, sa Bangkok, Thailand, ang laboratoryo ng China-Thailand Joint Research Institute of Natural Medicine.
Ang institutong ito ay magkasanib na itinatag ng Tsina at Thailand, para idebelop ang mga natural na gamot, at pasulungin ang kooperasyon sa medisina. Matatagpuan sa Bangkok ang sekretaryat ng instituto, at binuksan noong Marso ng taong ito sa Shanghai ang laboratoryo bilang sangay ng instituto sa Tsina.
Sa seremonya ng pagbubukas, binigyan ni Prinsesang Chulabhorn ng Thailand, ng mataas na pagtasa ang mga natamong bunga ng kooperasyong Sino-Thai sa siyensiya at teknolohiya.
Sinabi naman ni Lv Jian, Embahador ng Tsina sa Thailand, na ang pagtatatag ng naturang magkasanib na instituto ay makakatulong sa pagtaas ng lebel ng kooperasyon ng dalawang bansa, sa loob ng balangkas ng bilateral na plataporma, Belt and Road Initiative, at Tsina at Association of Southeast Asian Nations.
Salin: Liu Kai