Ipinahayag Abril 7, 2019, ni Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya sa Amman, Jordan na sinusubaybayan ng kanyang bansa ang kapasiyahan ng Amerika sa isyu ng Golan Heights at Jerusalem, at posibleng negatibong epekto ng "Deal of Century" sa isyu ng Gitnang Silangan. Hinimok niya ang Amerika na huwag makialam sa suliranin ng ibang bansa sa Gitnang Silangan.
Nang araw ring iyon, local time, dumalaw si Lavrov sa Jordan, at nakipagtagpo siya kay Ayman Safadi, Ministrong Panlabas ng naturang bansa.
Salin:Lele