Kaugnay ng desisyon ng pamahalaan ng Pilipinas na tuluyang itigil ang online gambling sa bansa, ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministri ng Ugnayang Panlabas ng Tsina, na pinahahalagahan ito ng Tsina.
Sa kanyang regular na preskon Agosto 20, 2019 sa Beijing, sinabi rin ni Geng na umaasa ang kanyang bansa na higit pang palalawigin ang ban sa lahat ng uri ng sugal sa Internet. Umaasa siyang ipatutupad ng kaukulang tanggapan ng pamahalaan ang batas at kasama ng Tsina, magkasamang harapin ang mga kriminal na aktibididad kabilang ang online gambling at cyber fraud. Aniya pa, makakatulong itong likhain ang mabuting kapaligiran para sa bilateral na ugnayan at kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Salin: Mac