Miyerkules, Hulyo 24, 2019, nilagdaan ng Huawei, namumunong kompanya ng information and communications technology (ICT) ng Tsina, at Polytechnic University ng Pilipinas (PUP) ang memorandum of understanding (MoU), para tulungan ang nasabing unibersidad na sanayin ang mga talento sa ICT.
Ayon sa MoU, ipagkakaloob ng Huawei ang mga kursong may kinalaman sa ICT, pagsasanay, at mga pasilidad ng laboratory sa PUP. Samantala, tutulungan ng PUP ang Huawei na buuin ang Huawei Digital Academy. Layon ng nasabing akademiya na magkasamang isagawa ang pananaliksik sa digital technology, at himukin ang mga mag-aaral na kunin ang kaukulang kuwalipikasyon sa ICT.
Salin: Vera