Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) kahapon Agosto 20, 2019 umabot sa 188,000 ang kumpirmadong mga taong nagkasakit ng dengue, 807 sa kanila ay namatay.
Nauna rito, may ulat na di-kukulangin sa 120 Chinese workers na nagtrabaho sa isang coal-fired power plant sa bayang Alas-asin ng Bataan ang kinapitan ng dengue. Ipinahayag ng namamahalang tauhan ng nasabing power plant, na hanggang ngayon, mayroon dalawa pang manggagawa ang ginagamot, habang gumaling na ang iba at walang naiulat na namatay.
Napag-alamang, para mapigil ang pagkalat ng epidemiya, naitatag ng kanilang power plant ang espesyal na mekanismo. Inatasan ang ilang tauhan na sa pagpatay ng lamok at pagpapanatili ng kalinisan ng planta. Samantala, naisagawa nila ang koopersayon sa designated hospital ng DOH at bumili ng Dengue detector, upang matukoy ang taong pinaghihinalaang nahawahan ng Dengue, at agarang isusugod ang mga ito sa ospital.
Salin: Sissi
Pulido: Mac