Binuksan ngayong umaga, Agost 21 sa Beijing ang Ika-9 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Hapon at Timog Korea. Lumahok dito sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina; Taro Kono, Ministrong Panlabas ng Hapon; at Kang Kyung-wha, Ministrong Panlabas ng Timog Korea.
Ngayong taon ay ika-20 anibersaryo ng pagtutulungan ng tatlong bansa. Ito rin ang unang pagtatagpo ng tatlong ministrong panlabas pagkaraan ng tatlong taon.
Sa pagtatagpo, inaasahang magpapalitan ng kuru-kuro ang mga ministro kaugnay ng kooperasyon ng tatlong bansa, paghahanda para sa Ika-8 na Pulong ng mga Lider ng tatlong bansa at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kanilang pinahahalagahan.
Bago ang pagtatagpo, magkakahiwalay na nakipagtagpo si Wang kina Kono at Kang. Pinag-usapan nila ang hinggil sa bilateral na relasyon sa iba't ibang larangan, mga isyung ikinababahala ng isa't isa, at pangangalaga sa malayang kalakalan.
Salin: Jade
Pulido: Mac