|
||||||||
|
||
Nagano Prefecture — Sa bagong round ng estratehikong diyalogong Sino-Hapones na magkasanib na pinanguluhan nina Le Yucheng, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Takeo Akiba, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Hapon, malalim at matapat na nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa relasyong Sino-Hapones at mga isyong panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.
Muling tiniyak ng dalawang panig na aktibong isasakatuparan ang mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa sa pagtatagpo sa Osaka para maitatag ang relasyong Sino-Hapones na angkop sa kahilingan ng bagong siglo.
Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na matapos ang pitong taong paghihinto, ang pagpapanumbalik ng estratehikong diyalogong Sino-Hapones ay nagpapakita ng walang humpay na paglakas ng pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa. Ito ay nakakabuti sa pagpapalawak ng kooperasyon ng kapwa panig.
Nagsimula ang nasabing diyalogo noong Mayo, 2005. Hanggang noong Hunyo ng 2012, naganap na ang 13 round ng diyalogo na ginampanan ang mahalagang papel para mapawi ang hadlang pulitikal at tiyakin ang pundamental na balangkas at mahalagang nilalaman ng estratehikong relasyon ng dalawang bansa. Ngunit, pagkatapos nito, sinuspinde ang diyalogong ito dahil sa maling ginawa ng panig Hapones.
Ang relasyong Sino-Hapones ay mahalaga hindi lamang para sa kapayapaan at kaunlaran sa rehiyong ito, kundi maging sa buong daigdig. Para magkasamang harapin ang unilateralismo at proteksyonismo sa kasalukuyang daigdig, kailangang palakasin ng Tsina at Hapon ang pagkokoordinahan at pagtutulungan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |