Ipinagpatuloy kahapon, Miyerkules, ika-21 ng Agosto 2019, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Gansu. Pumunta siya sa lunsod ng Wuwei sa gitnang bahagi ng Gansu, at Lanzhou, punong lunsod ng lalawigang ito.
Sa Wuwei, bumisita si Xi sa isang bagong purok-panirahan kung saan nakatira ang mga mamamayang inilipat mula sa mga liblib na lugar na mahirap ang kondisyon ng pamumuhay at produksyon. Pagkatapos, bumisita siya sa isang artipisyal na kagubatan sa lokalidad, para malaman ang kalagayan ng pagpigil sa desertipikasyon at pangangalaga sa ekolohiya roon.
Sa Lanzhou naman, bumisita si Xi sa istasyon ng pangangasiwa ng tubig sa Yellow River, at sinuri ang kalagayan ng pangangasiwa ng tubig at pagkontrol sa baha sa ilog na ito. Pumunta rin siya sa palimbagan ng Duzhe, magasing kilalang-kilala sa buong Tsina, at pinasigla niya ang mga editor na gumawa ng mas mabuting magasin batay sa pangangailangan ng mga mambabasa.
Salin: Liu Kai