Inabisuhan nitong Miyerkules, Agosto 21, 2019, ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, ang mga mamamayang Tsino at organong pinatatakbo ng pondong Tsino na mag-ingat sa kalagayang epidemiko ng dengue.
Ayon sa estadistika ng Department of Health (DOH), mula noong unang araw ng Enero hanggang Agosto 3, 2019, umabot sa 188,000 ang kumpirmadong mga taong nagkasakit ng dengue, 807 sa kanila ay namatay. Kasunod ng pagdating ng tag-ulan, tinatayang tataas ang bilang ng mga maysakit ng epidemiyang ito.
Salin: Lito