Idinaos kagabi Agosto 22 ng Chinese Embassy sa Pilipinas ang isang resepsyon para sa 80 estudyanteng Pilipino na nakatanggap ng Chinese government scholarship.
Sa kanyang talumpati, nagbalik-tanaw si Tan Qingsheng, Ministro ng Chinese Embassy sa Pilipinas ng kanyang sariling karanasan ng pag-aaral sa bansang dayuhan at iminungkahi sa mga iskolar na lubos na gamitin ang pagkakataon para maglatag ng matibay na pundasyon para sa kanilang karera sa hinaharap habang naglalakbay sa Tsina at makakilala ng maraming kaibigang Tsino. Bukod dito, ipinaalala ni Ministrong Tan sa mga estudyante na sundin ang iba't ibang batas at regulasyon sa Tsina at Pilipinas, para maigarantiya ang isang masayang pananatili sa Tsina.
Ayon sa Chinese Embassy sa Pilipinas, ang Chinese Government Scholarship ay nasa pamamahala ng Ministring Pang-edukasyon ng Tsina. Bawat taon, ipinagkakaloob nito ang pagkakataong mag-aral sa mahigit 200 unibersidad sa buong bansa at maaaring mag-aplay ang mga mag-aaral ng masters at doctorate degrees sa mga kursong tulad ng International Relations, Business Management, Clinical Medicine, Engineering Management at iba pa.
Ulat: Sissi Wang