Kaugnay ng pagkamatay ng isang Tsino sa Las Pinas kamakailan, malugod na tinatanggap ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas ang naging pahayag ni Philippine Presidential Spokesperson Salvador Panelo hinggil sa insidente na hindi pahihintulutan ng Pilipinas ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga dayuhan. Ayon pa sa pahayag na inilabas ng Pasuguang Tsino nitong Agosto 13,2019 sa opisyal na website, pinahahalagahan nito ang panawagan ng pamahalaang Pilipino na itigil ang katulad na ilegal na gawain at ang pangakong pangalagaan ang kaligtasan ng mga Tsino sa Pilipinas.
Hinihimok ng Pasuguang Tsino ang mga may kinalamang ahensiya ng Pamahalaang Pilipino na panagutin ang mga salarin sa pamamagitan ng obdyektibo, pantay at masusing imbestigasyon, at patuloy na isagawa ang mga konkreto at epektibong mga hakbang upang pangalagaan ang karapatan at interes ng mga Tsino sa Pilipinas.
Nasawi kamakailan ang isang Tsino habang ito'y nagtatangkang tumakas mula sa ika-anim na palapag ng isang gusali sa Las Pinas City. Ang biktima ay napag-alamang nakaposas. Kasalukuyang iniimbestigahan ng Philippine National Police ang insidente.
Salin : Mac