|
||||||||
|
||
Hiniling ng Ministri ng Komersyo ng Tsina sa panig Amerikano na iwasto ang mga maling praktika kaugnay ng bintang laban sa subsidiya sa mga produktong Tsino, makaraang magpasiya ang World Trade Organization (WTO) na salungat sa mga alituntunin ng WTO ang mga hakbangin ng Amerika laban sa mga produktong Tsino.
Ito ang winika ni Gao Feng, Tagapagsalita ng naturang ministring Tsino sa regular na preskon, nitong Huwebes, Agosto 22. Nitong Agosto 15, tinanggap ng Dispute Settlement Body ng WTO ang ulat ng Appellate Body at ulat ng Panel na may kinalaman sa reklamo ng Tsina hinggil sa pagpapataw ng panig Amerikano ng mga katugong hakbangin o countervailing measures laban sa mga takdang produktong Tsino.
Ayon sa ulat ng Appellate Body, 11 sa mga countervailing proceeding ng panig Amerikano ay hindi alinsunod sa mga probisyon ng subsidiya at katugong hakbangin ng WTO.
Diin ni Gao, ang nasabing mga ulat ay muling nagpapakita ng pang-aabuso ng panig Amerikano sa mga trade remedy measures. Nakakapinsala ito sa pagbabalanse sa pandaigdig na kalakalan at katatagan ng multilateral na sistemang pangkalakalan, dagdag ni Gao.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |