Martes, Agosto 27, 2019, nakipag-usap dito sa Beijing si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Kyaw Tint Swe, Ministro ng State Counsellor Office ng Myanmar.
Saad ni Wang, buong tatag na kinakatigan ng panig Tsino ang pagpapasulong ng Myanmar sa prosesong pangkapayapaan sa loob ng bansa, at umaasang magpapatuloy ang kalagayan ng tigil-putukan sa kahilagaan ng Myanmar, sa pamamagitan ng pagsasanggunian ng iba't ibang panig, at totoong mapapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa hanggahan ng dalawang bansa.
Hinahangaan ni Kyaw Tint Swe ang tulong na ipinagkaloob ng panig Tsino para ibalik ang mga mamamayang lumikas mula sa Rakhine State. Aniya, patuloy na magpupunyagi ang Myanmar para maayos na resolbahin ang isyu ng Rakhine State, sa pamamagitan ng bilateral na tsanel, at mapagkaibiga't kooperatibong paraan.
Salin: Vera