Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkumpuni sa pambansang istadyum ng Myanmar na may ayudang Tsino, pinasinayaan

(GMT+08:00) 2019-08-12 12:06:39       CRI

Pinasinayaan nitong Linggo, Agosto 11, sa Yangon, ang proyekto ng pagkumpuni o refurbishment project ng pambansang istadyum ng Myanmar, na may ayudang Tsino. Ang Shanghai Construction Group (SCG) ng Tsina ang namamahala sa proyekto, batay sa kahilingan ng panig ng Myanmar.

Si Chen Hai

Lumahok sa pasinaya sina Chen Hai, Sugo ng Tsina sa Myanmar; Myint Htwe, Ministro ng Kalusugan at Isports ng Myanmar; at Phyo Min Thein, Punong Ministro ng Rehiyon ng Yangon, at iba pa.

Ang pambansang istadyum ng Myanmar ay itinatag noong 1986, sa pagtataguyod ng Tsina. Itinuturing ito bilang muhon ng pagkakaibigan ng Tsina't Myanmar.

Salin: Jade

Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>