Magkakasamang idinaos nitong Miyerkules, Agosto 28, 2019 ng China Media Group (CMG) at mga kaukulang departamento at bahay-kalakal na may kilalang tatak ng Tsina, ang aktibidad ng pagsisimula ng "National Brand Strengthening Project."
Matapos itaguyod ng CMG ang pagtatatag ng "Brand Strengthen Nation Strategy League," ang nasabing proyekto ay isa pang hakbangin para mapasulong ang pagpapalakas ng bansa sa pamamagitan ng mga kilalang tatak.
Gamit ang iba't-ibang plataporma ng CMG, makakatulong ang "National Brand Strengthening Project" sa pagpapaunlad ng mga tatak sa antas ng estado sa bagong siglo.
Salin: Lito