Sa bisperas ng ika-5 anibersaryo ng pagharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mahalagang pananalita hinggil sa "tatlong pagbabago" sa konstruksyon ng tatak ng Tsina, itinatag Biyernes, Mayo 10, 2019 sa Beijing ang Estratehikong Alyansa ng Brand Power. Kasali rito ang mahigit 1,000 departamento.
Ang naturang alyansa ay inilunsad ng China Media Group (CMG). Halos 1,200 ang unang pangkat ng mga kasapi na kinabibilangan ng mga ministri at departamento ng pamahalang sentral, pamahalaang lokal, kilalang bahay-kalakal, kolehiyo, organo ng pananaliksik na pansiyensiya, samahan ng mga industriya, dalubhasa ng iba't ibang sirkulo at iba pa. Layon nitong buklurin ang puwersa ng iba't ibang sirkulo ng lipunan, para mapatingkad ang papel ng mga tatak sa de-kalidad na pag-unlad ng mga bahay-kalakal, at mapasulong ang pagpapatupad ng estratehiya ng brand power.
Sa seremonya ng brand power ng Tsina, ipinahayag ni Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Presidente ng CMG, na ang paglikha ng tatak ng Tsina, pagpapalakas ng impluwensiyang pandaigdig, at pagbuo ng malakas na opinyong publiko para sa pagpapalaganap ng tatak ng Tsina ay responsibilidad ng CMG sa pagpapasulong sa "tatlong pagbabago" sa konstruksyon ng tatak ng Tsina. Kailangang pabilisin ang pagpapatupad ng estratehiya sa tatak, at buong lakas na likhain ang mga primera klaseng tatak na Tsino.
Salin: Vera