Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga lider ng Tsina at Pilipinas, nagtagpo; organo ng mga pamahalaan, itinatag para mapasulong ang magkasamang paggagalugad ng langis at natural na gaas sa dagat

(GMT+08:00) 2019-08-30 10:27:47       CRI

Beijing, Tsina—Nagtagpo Huwebes, Agosto 29, 2019 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas. Sumaksi ang dalawang lider sa pagpapalitan ng mga dokumento ng bilateral na kooperasyon. Ipinatalastas ng panig Tsino't Pilipino ang pagtatatag ng isang intergovernmental joint steering committee at working group ng mga kaukulang bahay-kalakal hinggil sa kooperasyon sa langis at natural na gaas, para mapasulong ang magkasamang paggagalugad ng substansyal na progreso sa usaping ito.

Ito ang ika-5 beses na pagdalaw ni Duterte sa Tsina nitong nakalipas na 3 taon sapul nang manungkulan siya bilang pangulo ng bansa.

Binigyan ni Xi ng lubos na pagpapahalaga ang pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino nitong nakalipas na ilang taon. Diin niya, dapat tuluy-tuloy na pasulungin ang sinerhiya ng Belt and Road Initiative at "Build, Build, Build" program ng Pilipinas, at mainam na ipatupad ang mahahalagang proyektong pangkooperasyon sa mga larangang gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, parkeng industriyal, telekomunikasyon, enerhiya at iba pa. Nakahanda rin aniya ang panig Tsino na angkatin ang mas maraming de-kalidad na prutas at produktong agrikultural ng Pilipinas, at ipadala ang dalubhasa sa Pilipinas, para magturo ng mga teknik ng agrikultura at pangingisda.

Sa isyu ng karapatang pantao, patuloy at buong tatag na kakatigan ng panig Tsino ang pagsisikap ng panig Pilipino sa pangangalaga sa soberanya ng bansa at pagharap sa pakikialam ng ibang bansa, dagdag ni Xi.

Tinukoy ni Xi na palagiang pinapanatili ng dalawang bansa ang mabisang pag-uugnayan sa isyu ng South China Sea (SCS). Dapat aniyang isa-isang-tabi ng kapuwa panig ang alitan, iwasan ang hadlang na panlabas, at buong sikap na hanapin ang kooperasyon at kaunlaran. Saad pa ni Xi, dapat magpunyagi ang magkabilang panig para mapasulong ang pagdating ng Code of Conduct in the South China Sea (COC) sa lalong madaling panahon, at ipakita ang matatag na paninindigan at positibong pakikitungo ng dalawang bansa sa magkasamang pangangalaga sa pangmatagalang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Sinabi naman ni Pangulong Duterte na noong nagdaang 4 na buwan, dumalaw siya sa Tsina para lumahok sa ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF). Alang-alang aniya sa mabuting pagkakaibigan nila ni Xi at kahalagahan ng relasyon ng dalawang bansa, kinailangan niyang muling makipagtagpo kay Xi sa loob ng maikling panahon.

Bukod dito, bumati si Duterte sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Aniya, karapat-dapat na tularan ng Pilipinas ang karanasan ng matagumpay na pag-unlad ng Tsina. Nakahanda aniya siyang madalas na makipagtagpo kay Pangulong Xi, para mapalakas ang pag-uugnayan, magkasamang mapasulong ang tuluy-tuloy at malakas na pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko't kooperatibong relasyon ng dalawang bansa, at maisakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.

Dagdag ni Duterte, umaasa ang panig Pilipino na patuloy na tutulungan ng panig Tsino ang pag-unlad ng kabuhayan at konstruksyon ng imprastruktura ng Pilipinas, at pinasalamatan ang ibinigay na suporta ng Tsina sa Pilipinas, sa usapin ng karapatang pantao, rekonstruksyon ng mga nilindol na purok, paglaban sa terorismo, pagpuksa sa ipinagbabawal na droga at iba pang aspekto.

Sa isyu ng Hong Kong, ganap na iginagalang ng Pilipinas ang mga batas ng Tsina at karapatan nito sa pangangalaga sa pangangasiwa alinsunod sa batas, saad ni Duterte.

Ipinahayag ng Pangulong Pilipino na naninindigan siya sa mapayapang pagresolba sa alitan sa South China Sea, sa pamamagitan ng kooperasyon, sa halip ng komprontasyon. Nakahanda aniya ang Pilipinas na pabilisin, kasama ng panig Tsino, ang magkasamang paggagagulad ng langis at natural na gaas sa dagat.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>