Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ambassador Chito Sta. Romana : Muling paghaharap ni Duterte at Xi hihimayin ang joint oil and gas exploration at isyu ng South China Sea

(GMT+08:00) 2019-08-29 18:22:05       CRI

Ambassador Jose Santiago Sta. Romana ng Pilipinas sa Tsina

Gaganapin gabi ng Agosto 29 sa Beijing ang summit meeting sa pagitan nila Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas at Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Ito ang kanilang ika-walong pagtatagpo at inaasahang pipirmahan ang mga Memorandum of Understanding sa 6 na larangang kinabibilangan ng edukasyon, siyensya at teknolohiya, adwana, turismo, kooperasyong pang-ekonomiko at kooperasyong pang-imprastruktura. Tatalakayin din sa pag-uusap ang oil ang gas joint exploration.

Sa kanyang pahayag sa media umaga ng Agosto 29 sa Beijing, sinabi ni Ambassador Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, pag-uusapan ng dalawang lider ang mahalagang usapin tungkol sa alitan sa karagatan at ang Code of Conduct in the South China Sea. Ani Sta. Romana naniniwala ang Pangulong Duterte na napapanahon nang talakayin ito.

"Disputes do not define the entirety or totality of the bilateral relations. So aside from areas of difference, we will of course have on the agenda possible areas of cooperation," saad ni Sta. Romana.

Hinggil sa magkasamang paggagalugad sa South China Sea aniya pa "The MOU provides a roadmap for moving forward. In the past two months last June the Philippines submitted its proposed terms of reference to the Chinese side, and the Chinese side agreed to it and submitted their letters notes of agreement last July. So that has already been agreed upon. Now the question is how to move further."

Nabanggit din ng sugong Pilipino ang posibilidad ng paglikha ng steering commitee at joint entrepreneurial working committees na kabibilangan ng mga kumpanyang magiging bahagi ng magkasamang paggagalugad ng langis at gas sa South China Sea. Hangad ng pamahalaang Pilipino na masimulan agad ang proyektong ito bilang tugon sa nakaambang banta ng kakulangan sa enerhiya. Hinggil sa hatian na 60-40 na pabor sa Pilipinas sinabi ni Amb. Sta. Romana na susundin ng panig Pilipino ang mga isinasaad ng Konstitusyon ng Pilipinas at maging ang United National Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS).

Ang panig Tsino, sa kabilang banda ay hindi ayon sa UNCLOS. Hinggil dito paliwanag ng sugong Pilipino kakailanganin ang matinding negosasyon sa usaping legal at kakailanganin ang paglahok ng mga eksperto upang tumulong sa pagbuo ng kasunduang tatanggapin ng kapwa panig.

Dagdag niya "They are willing to be flexible. The Chinese has expressed their desire to be flexible and pragmatic because of the improving bilateral relations."

Ito ang ikalimang pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Tsina. At ang pagdalaw saad ni Sta. Romana ay pagpapatuloy sa mapagkaibigang pagpapalitan ng pananaw upang higit na maunawaan ang mga pagkakaiba. "Ang kanyang pagpunta sa Tsina ay upang patatagin ang tulay ng pagkakaibigan at hindi upang sirain ang tulay ng ugnayan sa Tsina," ani pa ni Sta. Romana sa wikang Ingles.

Ulat:Machelle Ramos

Larawan:Jade Xian

Web Editor :Li Feng at Sarah Tian

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>