Sinabi Huwebes, Agosto 29, 2019, ni Zhang Longmei, Pangalawang Kinatawan ng International Monetary Fund (IMF) sa Tsina, na kahit nagdulot ng presyur sa palitan ng RMB ang maigting na kalagayang panlabas, nananatiling sapat pa rin ang reserba ng palitang panlabas ng Tsina, at walang malinaw na palatandaan ng pakikialam ng pamahalaang Tsino. Aniya, naaayon sa batayan ang exchange rate ng RMB.
Dagdag ni Zhang, napansin na ng IMF ang tuluy-tuloy na pagpapasulong ng Tsina sa estruktural na reporma, at kahanga-hanga ang progreso ng reporma ng Tsina sa mga aspektong gaya ng financial deleveraging at pagbubukas sa labas.
Ipinahayag naman ni Alfred Schipke, Senior Resident Representative ng IMF sa Tsina, na maaaring harapin ng Tsina ang di-tiyak na kapaligiran ng kabuhayang pandaigdig, sa pamamagitan ng pagsasaayos sa macro-economy policy at pagpapataas ng pleksibilidad ng exchange rate.
Salin: Vera