Inulit Lunes, Agosto 5, 2019 ng People's Bank of China (PBOC), bangko sentral ng Tsina, na may kompiyansa at kakayahan itong mapanatili ang kabuuang katatagan ng lebel ng palitan ng RMB.
Ayon sa PBOC, ang pagbaba ng lebel ng palitan ng RMB kontra sa US Dollar, na ngayon ay nasa mas mababa sa 7 yuan RMB kada isang dolyar ay sanhi ng mga patakaran ng unilateralismo at proteksyonismo ng Amerika, at ekspektasyon ng karagdagang taripa sa mga panindang Tsino.
Kahit bumaba ang lebel ng palitan ng RMB kontra sa US Dollar, nananatili pa rin itong matatag at malakas sa kabuuan laban sa basket of currencies, dagdag ng PBOC.
May karanasan, kompiyansa at kakayahan ang PBOC na mapanatili ang katatagan ng lebel ng palitan ng RMB sa isang makatwiran at may-balanseng lebel, dagdag ng nasabing bangko.
Salin: Vera