Sa pamamagitan ng Kuaizhou-1A carrier rocket, matagumpay na inilunsad ngayong umaga, Sabado, ika-31 ng Agosto 2019, ng Tsina ang dalawang technological experiment satellite.
Ang Kuaizhou ay nangangahulugan ng "mabilis na bangka." Ito ay isang uri ng maliit na carrier rocket na ginawa ng kompanya sa ilalim ng China Aerospace Science and Industry Corporation. Inilulunsad nito, pangunahin na, ang mga maliit na satellite, at mababa ang gugulin ng paglulunsad nito.
Ang nabanggit na paglulunsad ay ika-3 beses na paglulunsad ng Kuaizhou-1A.
Salin: Liu Kai