Ipinahayag dito sa Beijing Martes, Abril 23, 2019 ni Zhou Jianping, Pangkalahatang Tagadisenyo ng manned space activities project ng Tsina, na ayon sa plano, inaasahang matatapos sa taong 2020 ang konstruksyon ng manned space station ng Tsina. Aniya, kakatigan nito ang pagsasagawa ng malawakang siyentipikong pananaliksik sa kalawakan, pagsisiyasat ng teknolohiyang pangkalawakan, at paggamit ng kalawakan.
Dagdag pa ni Zhou, upang ibayo pang mapatingkad ang namumunong papel ng space station bilang laboratoryong pangkalawakan sa antas ng estado, pormal na inilabas ng Tsina ang anunsyo na nag-aanyaya sa pagsusumite ng mga proyekto ng siyentipikong pagsusuri at teknikal na pagsubok ng space station ng Tsina, para himukin ang iba't ibang sirkulo ng lipunan na sumali rito.
Salin: Vera