Inilabas kahapon, Miyerkules, ika-12 ng Hunyo 2019, sa Vienna, ng China Manned Space Agency at United Nations Office for Outer Space Affairs, ang resulta ng pagpili ng unang pangkat ng mga pandaigdig na proyekto ng eksperimentong siyentipiko na isasagawa sa China Space Station.
Ayon sa ulat, 9 ang naturang mga proyektong galing sa 23 entity ng 17 bansang kinabibilangan ng Switzerland, Poland, Alemanya, Italya, Norway, Pransya, Espanya, Holland, Indya, Rusya, Belgium, Kenya, Hapon, Saudi Arabia, Tsina, Mexico, at Peru. Ang mga ito ay napili mula sa 42 panukalang proyektong iniharap ng 27 bansa.
Nakatakdang tumakbo sa taong 2022 ang China Space Station. Ang pagtanggap nito sa mga pandaigdig na eksperimento ay nagpapakita ng pagbubukas ng mga space program ng Tsina, ayon sa panig Tsino.
Salin: Liu Kai