Pagkatapos ng pangkagipitang pulong ng gabinete, Lunes ng gabi, Setyembre 2, 2019, sinabi ni Punong Ministro Boris Johnson ng Britanya, na sa kahit anong kalagayan, hindi niya hihilingin sa Unyong Europeo (EU) na ipagpaliban ang "pagtalikod ng Britanya sa EU (Brexit)." Aniya, tatalikuran ng kanyang bansa ang EU sa nakatakdang iskedyul, sa Oktubre 31 ng kasalukuyang taon.
Nanawagan din siya sa mga mambabatas na kumontra sa walang katuturang pagpapaliban ng "Brexit." Samantala, bilang tugon sa pananalitang posibleng idaos ng mas maaga ang pambansang halalan, bukas itong pinabulaanan ni Johnson.
Salin: Lito