Ipinahayag Martes, Setyembre 3, 2019 ni Xu Luying, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado sa mga Suliranin ng Hong Kong at Macao, na ang kasalukuyang pinakamahalaga at pinakamahigpit na tungkulin ay nananatili pa ring pagbibigay-wakas sa karahasan at pagpapanumbalik ng kaayusan. Aniya, puspusang kinakatigan ng pamahalaang sentral ang Punong Ehekutibo at administrasyon ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na gamitin ang lahat na kinakailangang paraan para mabigyang-wakas ang karahasan at kaguluhan, maigarantiya ang seguridad ng buhay at iba't-ibang karapatan ng mga mamamayan, at mapangalagaan ang dignidad ng batas ng Hong Kong.
Salin: Lito