|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng opisyal na website, ipinalabas nitong Miyerkules, Agosto 28, 2019 ng Ministring Panlabas ng Laos ang pahayag na nagsasabing ang nagaganap na marahas na insidente sa Hong Kong nitong ilang araw na nakalipas ay nakakasira sa katatagang panlipunan. Palagian at mahigpit na sinusubaybayan ng pamahalaang Lao ang pangyayaring ito.
Anang pahayag, sa mula't mula pa'y iginigiit ng pamahalaang Lao ang patakarang "Isang Tsina," at ang Hong Kong anito ay isang espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina sa ilalim ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema." Umaasa rin ang Laos na mapapanumbalik ang normal na kaayusang panlipunan sa Hong Kong sa lalong madaling panahon, anito pa.
Ini-share Agosto 29 ng mga pangunahing media Lao na gaya ng "Lao News Agency," pahayagang "Pasaxon," at "Vientiane Times," ang nasabing pahayag.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |