Ipinahayag Huwebes, Setyembre 5, 2019 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na kapuwa ipinalalagay ng panig Tsino at Amerikano na dapat magkasamang magsikap at magsagawa ng aktuwal na aksyon, upang likhain ang magandang kondisyon para sa kanilang pagsasanggunian sa susunod na hakbang.
Huwebes ng umaga, nag-usap sa telepono ang mga namumunong personahe ng Tsina at Amerika sa Trade Talks sa mataas na antas. Sinang-ayunan ng kapuwa panig na idaos sa unang dako ng darating na Oktubre sa Washington ang ika-13 round ng Trade Talks.
Kaugnay ng tanong ng media kung magsasadya o hindi sa Amerika ang panig Tsino ayon sa nakatakdang iskedyul, kung ipapataw ng Amerika ang bagong karagdagang taripa, sinabi ni Gao na buong tatag na tututulan ng panig Tsino ang lalong paglala ng trade war. Aniya, ito ay di makakabuti sa Tsina at Amerika, maging ng buong mundo.
Salin: Vera