|
||||||||
|
||
Hinimok kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pambansang aklatan na igiit ang tumpak na direksyong pulitikal, at palaganapin ang tradisyonal na kultura.
Winika ito ni Xi sa kanyang liham bilang tugon sa liham ng 8 nakatatandang dalubhasa ng nasabing aklatan. Ang kasalukuyang taon ay ika-110 anibersaryo ng pagkakatatag ng Pambansang Aklatan ng Tsina.
Diin ni Xi, nitong nakalipas na 110 taon, pinatingkad ng pambansang aklatan ang positibong papel sa pagmamana ng sibilisasyon ng nasyong Tsino, pagpapataas ng kalidad ng mga mamamayan, pagpapasulong sa pag-unlad ng kabuhaya't lipunan, at iba pang aspekto.
Umaasa aniya siyang gagawa ang aklatang ito ng bagong ambag para sa pagtatatag ng sosyalistang bansa na may malakas na puwersang kultural.
Itinatag ang Pambansang Aklatan ng Tsina noong 1909. Halos 40 milyon ang koleksyon ng mga aklat dito, at tinatanggap nito ang mahigit 5 milyong mambabasa tuwing taon.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |