Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon, Biyernes, ika-6 ng Setyembre 2019, sa Beijing, kay dumadalaw na Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat ibayo pang palawakin ang saklaw ng kooperasyong Sino-Aleman.
Sinabi ni Xi, na sa kasalukuyang panahong dumarami ang mga elementong nagbabanta sa kapayapaan at katatagan ng daigdig, bilang kapwa responsableng malaking bansa, dapat palakasin ng Tsina at Alemanya ang pag-uugnayan, pagkokoordinahan, at pagtutulungan, para magkasamang harapin ang mga komong hamon sa sangkatauhan. Dapat panatilihin din ng dalawang bansa ang paggalang sa landas ng pag-unlad ng isa't isa at pagsuporta sa mga nukleong interes ng isa't isa, dagdag ni Xi.
Ipinahayag naman ni Merkel, na ikinagagalak ng Alemanya na makapagtamasa ng mga bungang dulot ng pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas sa labas. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na patuloy na dagdagan ang pamumuhunan sa Tsina, at palawakin ang mga larangan ng kooperasyon ng dalawang bansa. Sinabi rin ni Merkel, na ang unilateralismo at proteksyonismo ay lumilikha ng mga negatibong epekto, at dapat maayos na lutasin ng iba't ibang panig ang mga pagkakaiba at alitan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Salin: Liu Kai