|
||||||||
|
||
Sa International Telecommunication Union (ITU) Telecom World 2019 na idinaos sa Budapest nitong Martes, Setyembre 10, 2019, ipinalabas ng Huawei Company, telecom giant ng Tsina, ang white paper tungkol sa posisyon ng paggamit ng 5G kung saan inilalarawan ang kalagayan ng paggamit ng 5G sa maraming larangan. Inilahad ng white paper ang kalagayan ng pag-unlad ng 5G sa apat na aspektong gaya ng mapanlikhang paggamit, pamantayan, spectrum, at ekolohiyang industriyal.
Nanawagan din ito sa lahat ng kaukulang organisasyon at organong tagapagsuperbisa sa buong daigdig na aktibong pasulungin ang pagtutulungan at pagkokoordinahan upang magkaloob ng mainam na garantiyang pangyaman at kapaligirang komersyal sa pagsasaayos na komersyal at paggamit ng 5G technology.
Ang ITU Telecom World 2019 ay idinaraos sa Budapest mula Setyembre 9 hanggang 12.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |