Warsaw, Poland—Ipinahayag Lunes, Hulyo 8, 2019 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang 5G ay hindi lamang palatandaan ng progreso ng siyensiya't teknolohiya sa telekomunikasyon ng sangkatauhan, kundi bunga rin ng kooperasyong pandaigdig. Dapat aniyang ibahagi ng daigdig ang pagkakataong pangkaunlaran na dulot ng 5G, sa halip na maging monopolya o pagkontrol ng iisang panig.
Diin ni Wang, nakahanda ang panig Tsino na himukin ang mga bahay-kalakal na Tsino na ibahagi ang bunga ng inobasyon sa larangan ng 5G sa iba't ibang bansa, at magkasamang pataasin ang lebel ng industriya ng telekomunikasyon ng daigdig, para makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng mas maraming bansa. Inaasahan din niya ang pagsasagawa ng mas maraming kooperasyon sa Poland, sa larangan ng inobasyon, para pasiglahin ang bagong nilalaman ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Vera