Sa Fourth Industrial Revolution (4IR) Digital Economy Summit na idinaos sa Johannesburg, Timog Aprika, ipinahayag ni Pangulong Matamela Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika, ang pagtanggap sa 5G technology na idinala ng Huawei Company, telecom giant ng Tsina. Aniya, kinakatigan ng kanyang bansa ang anumang kompanyang puwedeng magkaloob ng mas mabuting teknolohiya sa Timog Aprika at buong daigdig.
Ipinahayag din niya na sasamantalahin ng Timog Aprika ang pagkakataong dala ng Ika-4 na Rebolusyong Industriyal para likahin ang mas maraming trabaho at harapin ang mga hamong dulot ng karalitaan, pagkawala ng trabaho, at iba pang problema.
Salin: Li Feng