|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Miyerkules ng hapon, Setyembre 11, 2019 kay Ho Iat Seng, bagong halal at ini-nominate na Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR), ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa kanya.
Sinabi ni Pangulong Xi na sa mahabang panahon, iginigiit ni Ho Iat Seng ang posisyon ng pagmamahal sa bansa at Macao, at buong sikap siyang naglilingkod sa lipunan ng Macao. Ani Xi, nakakapagbigay si Ho lat Seng ng positibong ambag para sa reporma at pagbubukas sa labas, konstruksyon ng modernisasyon ng bansa, at kasaganaan at katatagan ng Macao. Lubos na tiyak ng pamahalaang sentral ang mga ito, dagdag pa ni Xi.
Ipinahayag naman ni Ho lat Seng ang kanyang determinasyon na sa pamumuno ni Pangulong Xi at pamahalaang sentral, buong tatag na tutupdin ang patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" para mapangalagaan ang kapangyarihan ng konstitusyon at saligang batas, mapanatili ang mainam na relasyon sa pagitan ng pamahalaang sentral at MacaoSAR, mapangalagaan ang soberanya, seguridad, at kapakanan ng bansa, at mapasulong ang matatag na pagtakbo ng polisiyang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa Macao.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |