Ipinahayag ni Zheng Jie, Pangalawang Direktor ng Seksyong Konsular ng Tanggapan ng Komisyoner ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Hong Kong, na ang patakarang "Isang Bansa Dalawang Sistema" ay batayan ng consular protection sa mga taga-Hong Kong.
Winika ito ni Zheng sa isang presss briefing sa Australia nitong Miyerkules, Setyembre 11, sa panahon ng pagdalaw ng kanyang tanggapan sa Melbourne at Brisbane. Saad ni Zheng, mula noong Enero, 2015 hanggang Hunyo, 2019, humigit-kumulang 10,000 kaso ng proteksyong konsular ang hinawakan ng kanyang tanggapan, na gaya ng pagpapauwi ng mga kababayang taga-Hong Kong sa kalamidad ng lindol at tsunami, digmaan, teroristikong atake, pagkawala ng dalang ari-arian, pag-aplay ng nawalang pasaporte, at iba.
Ang lahat ng nasabing kaso ay nalutas, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng apat na panig na kinabibilangan ng kanyang tanggapan, Ministring Panlabas ng Tsina, Pasuguang Tsino, at pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), diin ni Zheng. Sa gayon, natutugunan ang kahirapan ng mga taga-Hong Kong sa ibayong dagat at natitiyak ang kanilang mapayapang paglalakbay, dagdag pa ni Zheng.
Salin: Jade
Pulido: Rhio