Sa isang news briefing na idinaos Miyerkules, Setyembre 11, 2019 ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Taiwan, sinabi ng tagapagsalita nitong si Ma Xiaoguang na ang tangkang "Pagsasarili ng Hong Kong" at "Pagsasarili ng Taiwan" ay grabeng nakakapinsala sa kapakanan ng mga kababayan ng Hong Kong at magkabilang pampang. Nananalig aniya siyang buong tatag itong tutulan ng malawak na masa ng mga kababayan.
Dagdag niya, kung magsasabwatan ang dalawang puwersa ay hindi lamang makakapinsala sa Hong Kong, kundi magdudulot pa ng grabeng kapinsalaan sa Taiwan.
Salin: Li Feng