|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Biyernes, Setyembre 13, 2019 ng tagapagsalita ng 10 Downing Street ng Britanya na sa darating na Lunes, makikipag-usap si Punong Ministro Boris Johnson kay Jean-Claud Juncker, Presidente ng Unyong Eupropeo (EU). Sapul nang umakyat sa puwesto noong nagdaang Hulyo, ito ang magiging unang pakikipagkita ni Johnson kay Juncker.
Sinabi ng nasabing tagapagsalita na kasalukuyang nagtatalakayan at nagsisikap ang Britanya at EU para magkaroon ng kasunduan tungkol sa "pagkalas ng Britanya sa EU (Brexit)." Ngunit, maraming gawain pa ang dapat gawin, aniya.
Maraming beses na inihayag ni Johnson na kung magkakaroon o hindi ang dalawang panig ng kasunduan, pamumunuan niya ang Britanya sa pagkalas sa EU sa Oktubre 31, 2019.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |