Sa magkasanib na panayam sa China Media Group at Xinhua News Agency kamakailan, bumati si Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Aniya, sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), natamo ng bansa ang dakilang tagumpay sa pag-unlad, at pinatingkad ang mahalagang papel para sa masaganang pag-unlad ng rehiyon at daigdig.
Saad ni Hun, maraming bansa ang nakikinabang sa Belt and Road Initiative na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Aniya, direktang nakinabang ang kanyang bansa sa kooperasyon ng Belt and Road, sa konstruksyon ng imprastruktura at ibang larangan.
Nang mabanggit ang kooperasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), palagay ni Hun Sen na kailangang kailangan ang estratehikong partnership ng kapuwa panig. Aniya, ang mga mekanismong gaya ng ASEAN plus Tsina, ASEAN plus Tsina, Hapon at Timog Korea, at mekanismo ng Lancang-Mekong Cooperation ay hindi lamang nakapagpasulong sa pagpapalitan ng kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, turismo at tauhan, kundi nakatulong din sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng Tsina at iba't ibang bansa sa loob ng rehiyon.
Salin: Vera