Inilabas ngayong araw, Huwebes, ika-19 ng Setyembre 2019, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang white paper hinggil sa pag-unlad ng kababaihan nitong 70 taong nakalipas sapul nang itatag ang Republikang Bayan ng Tsina.
Anang white paper, ang pag-unlad ng kababaihan ng Tsina ay may mahigpit na ugnayan sa pag-unlad ng bansa. Anito, nitong 70 taong nakalipas, nagbigay ang maraming babae ng ambag sa konstruksyon, reporma, at pag-unlad ng Tsina, at sa prosesong ito, tumaas naman ang katayuan ng kababaihan sa lipunan.
Ayon pa rin sa white paper, ang pagkakapantay-pantay, pag-unlad, at magkakasamang pagtamasa ng mga benepisyo ay mga pangunahing bungang natamo sa aspekto ng pag-unlad ng kababaihan sa Tsina nitong 70 taong nakalipas.
Salin: Liu Kai