Sabado, Setyembre 21, 2019, nag-usap sa Beijing ang mga ministrong panlabas na sina Wang Yi ng Tsina at Jeremiah Manele ng Solomon Islands, at lumagda sila sa magkasanib na komunike hinggil sa pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) at Solomon Islands.
Ipinatalastas ng kapuwa panig na ayon sa interes at hangarin ng mga mamamayan ng dalawang bansa, sapul nang lagdaan ang naturang komunike, kinikilala ng Tsina at Solomon Islands ang isa't isa, at itinatag ang relasyong diplomatiko sa antas na embahadoryal.
Anang komunike, sinang-ayunan ng dalawang pamahalaan na paunlarin ang mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa, batay sa paggagalangan sa soberanya at kabuuan ng teritoryo, mutual non-aggression, di-pakikialam sa mga suliraning panloob ng isa't isa, pagkakapantay-pantay, mutuwal na kapakinabangan, at mapayapang pakikipamuhayan.
Kinikilala ng pamahalaan ng Solomon Islands na iisa lang ang Tsina sa daigdig, ang pamahalaan ng PRC ay ang siyang tanging lehitimong pamahalaan ng Tsina, at ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi lamang ng Tsina. Mula nang araw ring iyon, pinutol ng pamahalaan ng Solomon Islands ang umano'y "relasyong diplomatiko" sa Taiwan, at ipinangakong hindi isasagawa ang anumang relasyong opisyal o pagpapalitang opisyal sa Taiwan.
Salin: Vera