|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ng tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos ang pagkadismaya sa kapasiyahan ng Solomon Islands na putulin ang umanoy' "relasyong diplomatiko" sa Taiwan.
Kaugnay nito, ipinahayag Miyerkules, Setyembre 18, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang anumang kuwalipikasyon ang panig Amerikano na magsalita ng anu-ano sa kapasiyahan ng isang soberanong bansa upang itatag ang relasyong diplomatiko sa Tsina, sa ilalim ng prinsipyong "Isang Tsina."
Ipinagdiinan ni Geng na iisa lang ang Tsina sa daigdig, at ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ang siyang tanging lehitimong pamahalaang kumakatawan ng buong Tsina. Ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina, aniya pa.
Dagdag pa ni Geng, lubos na pinapupurihan ng Tsina ang nasabing kapasiyahan ng pamahalaan ng Solomon Islands. Sinusuportahan din nito ang naturang mahalagang kapasiyahan ng Solomon Islands bilang isang soberano at nagsasariling bansa, dagdag niya.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |