Nitong Lunes, Setyembre 16, 2019, idinaos ng pamahalaan ng Solomon Islands ang pulong ng gabinete kung saan ipinasiyang kilalanin ang prinsipyong "Isang Tsina," putulin ang "relasyong diplomatiko" sa Taiwan, at itatag ang relasyong diplomatiko sa Tsina.
Kaugnay nito, sinabi nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na hinahangaan ng panig Tsino ang nasabing kapasiyahan ng pamahalaan ng Solomon Islands. Aniya, kinakatigan ng panig Tsino ang paggawa ng Solomon Islands ng naturang mahalagang kapasiyahan bilang isang nagsasarili at soberanong bansa. Ito ay muling nagpapakita ng pagkakatugma ng prinsipyong "Isang Tsina" sa pangkalahatang tunguhin ng nasabing bansa, at hindi ito mahahadlangan, dagdag pa niya.
Salin: Lito