Sa pagtataguyod ng Press Center para sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republikang Bayan ng Tsina, idinaos ngayong araw, Martes, ika-24 ng Setyembre 2019, sa Beijing, ang news briefing hinggil sa kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan at pinansya ng Tsina.
Sinabi ni Ning Jizhe, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na mula noong 1952 hanggang 2018, lumaki ng 70 ulit ang GDP per capita ng bansa, at sa kasalukuyan, pinakamalaki sa daigdig ang ambag ng paglaki ng kabuhayang Tsino sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Isinalaysay naman ni Yi Gang, Gobernador ng People's Bank of China, bangko sentral ng bansa, na sa kasalukuyan, 300 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng sektor ng pinansya ng Tsina, at 3.1 trilyong Dolyares naman ang reserba ng palitang dayuhan ng bansa. Aniya, sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na reporma at pagbubukas sa labas, nabuo na ang bukas na sistemang pinansyal ng Tsina, na humaharap sa buong daigdig, at may pantay-pantay na kompetisyon.
Salin: Liu Kai