|
||||||||
|
||
Sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), pumunta si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, sa Beijing Exhibition Center para panoorin ang eksibisyon ng natamong tagumpay ng Tsina nitong 70 taong nakalipas sapul nang maitatag ang PRC.
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na nitong 70 taong nakalipas sapul nang maitatag ang PRC, hindi nakakalimutan ng CPC ang orihinal na aspirasyon nito at buong tatag na isinasaisip ang misyon upang magkaisa ang mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad ng buong bansa sa pakikipaglaban sa mga kahirapan at nagtamo ng mga tagumpay. Aniya, ang mga nakuhang historikal na tagumpay at pagbabago ng Tsina nitong 70 taong nakalipas, ay lubusang nagpapatunay na wala iba kundi ang CPC ang puwedeng mamuno sa Tsina, ililigtas ng sosyalismo ang Tsina, ang reporma at pagbubukas sa labas ay puwedeng paunlarin ang Tsina, ang landas ng sosyalismong may katangiang Tsino ay puwedeng pamunuan ang Tsina patungo kasaganaan at kalakasan.
Dagdag pa ni Xi, sa hinaharap, dapat hikayatin ang buong partido at mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad sa pakiki-isa sa paligid ng Komite Sentral ng CPC, dapat ding pataasin nang lubos ang dakilang watawat ng sosyalismong may katangiang Tsino at pag-ibayuhin ang pagsisikap upang maisakatuparan ang dakilang tagumpay sa komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan, dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino, at hangarin ng mga mamamayan sa mas magandang pamumuhay.
Kasama ni Pangulong Xi sa pagbisita sina Li Keqiang, Wang Yang, Wang Huning, Zhao Leji, Han Zheng, at Wang Qishan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |