Inilabas Linggo, Setyembre 22, 2019 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa pag-unlad ng usapin sa karapatang pantao ng bagong Tsina nitong nakalipas na 70 taon.
Anang white paper, noong nagdaang 70 taon sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), walang humpay na ginawa ang ambag para sa usapin ng karapatang pantao ng daigdig.
Tinukoy ng nasabing dokumento na ang maligayang pamumuhay ng mga mamamayan ay pinakamahalagang karapatang pantao. Sapul nang itatag ang Partido Komunista ng Tsina (CPC), itinuturing nitong target ng pagpupunyagi ang paghanap ng kaligayaan ng mga mamamayan, pagsasakatuparan ng pag-ahon ng Nasyong Tsino, at pagpapasulong sa kaunlaran ng sangkatauhan. Anito, patunay ang kasaysayan at katotohanan, na matagumpay na hinanap ng Tsina ang isang landas ng pag-unlad sa usapin ng karapatang pantao na angkop sa kalagayan ng sariling bansa, at pinasagana ang dibersidad ng sibilisasyon ng sangkatauhan.
Anang white paper, sa bagong panahong historikal, igigiit ng Tsina ang dibersidad ng sibilisasyon at diwa ng pagpapalitan at pag-aaral sa magkakabiang sibilisasyon; at pasusulungin, kasama ng komunidad ng daigdig ang komong kaunlaran, kasaganaan, at pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao ng daigdig. Ito ay para itatag ang community with a shared future for mankind.
Salin: Vera